Ilokana na me (Chronicle 2)

Opps late ko ng ma ipublish ang Chronicle 2, ang layo yata ng interval kaya para hindi na mahirapan, basahin DITO ang Chronicle 1

Pagudpud:

Sa ikalawang araw ng masayang pamamasyal sa Norte, ang bisitahin ang tinaguriang Boracay of the North, ang Pagudpud,

pag1

Sabi ng aming driver kapag peak season, inuuna nilang puntahan ang white beach ng Pagudpud sa kadahilanang dumadagsa ang maraming turista dito sa bandang hapon at para di na kami makipagsabayan.. ang pinakadulo ang aming unang pinuntahan.

Bantay-Abot Cave

pag5

Matapos masilayan ang ganda ng Bantay-Abot Cave, pumunta na kami sa Pagudpud beach para sa isang pananghalian, sabay swimming na rin.

pag2

Syempre dahil isa sa landmark ng Ilocos ay ang tulay na nag uugnay sa Ilocos Norte at Cagayan, papalampasin ba naman ang hindi makapagpa-picture sa napakagandang Patapat Bridge..

pag3

Pabalik ng Laoag City, dumaan din kami sa pamosong Kabigan Falls kung saan kami nag enjoy sa halos 30minutes na trekking..

pag6

pag8

pag11

Sa ganda ng Kabigan Falls, halos makalimutan na namin ang oras, hindi na namalayan na pupunta pa rin kami sa sikat na Bangui Windmills ng Norte.

pag10

pag7

Tuwang tuwa ako at super laki ng electric fan dito.. 😆
Kaya di ko rin pinalagpas ang magkaroon ng miniture windmill ..

pag16

Isa sa hinangaan ko ng husto ay ang rock formation o mas kilala bilang Kapurpurawan na ang ibig sabihin ay “puti”

pag12

Opps. syempre di ko pinalampas ang maka pag horse back riding.. 😆 rofl

pag13

At dahil sunset na, binisita na pa rin namin ang Cape Bojeador Lighthouse, at dahil hanggang 5:00pm lamang ang museum, masaya na rin akong napagmasdan ang ganda kahit di ko na napasok ang area.

pag14

Sa sobrang pagod at saya sa ikalawang araw, mas excited yata kami dahil babalik kami sa Paoay kinabukasan para sa aming Sand Dunes adventure…

=========================================

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s