cool meet-ups

story behind the scene:

Nagpa book si Chunang ng Ilocos Tour namin, pamilya ni Chunang, ako, si Munik, si Tetang (sino sila) mga pinsan ko.. at mga workmate ni Tetang.
First time kong di mag celebrate ng Holy week sa parokya namin, alam nyo naman “manang” ako.. mananangal ng belo.. hehehe.. kaya medyo excited ako sa travel na ‘to. Nabanggit ng isa ko pang pinsan (si Angge) na going din siya ng Ilocos kasama mga travel buddies niya, same ang tour date namin March 27-30, syempre magkaiba kami ng tour agency.

Mas nauna yung departure namin sa kanila kaya di kami nagkita sa first day tour namin.
at ang scenario,

-babetski-: hmmm. nasaan na kaya sina Angge? (kausap si Munik) habang patungo kami sa St. William Cathedral upang magsimba.
Munik: dito din ba sila, itext mo kaya
-babetski-: ahaha, wala akong number eh, text ko pala maya si ate Milet (mother ni Angge)

Sa loob ng simbahan, habang abala ako sa pagdarasal ng may humampas sa akin..
Tsaran.. si Angge, akalain mo nga naman, nadinig agad ang prayers..

At dahil doon, lumabas kami para makapag chikahan.. hehehe..

meet

meet1

Akalain mo nga naman, bihira kaming magpangita ni Angge kapag umuuwi siya na kung tutuusin eh isang bahay o isang hakbang lang ang layo ng bahay nila… Pero dito sa Laoag, prayers lang nagkita na kami.. lol

At dahil nagkita na kami, kinuha ko na ang number niya, para naman ma update kami kasi pareho naman ang tour namin kinabukasan ang PAGUDPUD.. #excited

Day 2: Pagudpud:

Tinext ko si Angge, habang nasa byahe pa kami, going pa din sila ng pagudpud, pero dahil magkaiba nga kami ng tour agency, inuna namin ang pinakadulo.. kaya hindi rin kami nagkita ni Angge, and worst pa walang signal ang globe kaya late na rin na received mga message..

Gabi na ng makarating kami sa Laoag ng magtext siya kung nasaan na kami, ang reply ko.. kakain pa lang at heto ang scenario:

-babetski-: saan na kayo, kakain pa lang kami, anong petsa na.. hehe
Angge: dito pa Laoag kakain pa din
-babetski-: saan kayo kakain, kami dito sa Tapsilog Avenue (madami kasing close that time kasi Biyernes Santo)
Angge: punta kami sa Saramsam, saan yan
-babetski-: galing na kami jan, daming tao, kaya dito kami sa Tapsilog Avenue, malapit lang jan sa Saramsam, yung kanto bago dumating ang Saramsam.
Angge: sige punta ako jan.
-babetski: ok

meet4

(at heto nga ang aming picturan session habang hinintay namin ang aming order)
hmm.. di pa ba halatang gutom na kami.. Alas-Nwebe na yata ito ng gabi..

meet2

meet3

——————————————
Day 3: Vigan

Di na kami nagkita ni Angge.. Text text na lang kami. Dumating kami ng Manila 12:00mn. Sina Angge, 2:00am..

————————
Nang umuwi si Angge dito sa kanilang bahay, hahaha.. di na naman kami nagkita.. whaa
Hanggang sa muli…(Salamat Angge sa mga photos) 🙂

———————–

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s